Copyright 2016 © drafts and brews byBernadette D. Sueno
Design by Dzignine
Wednesday, September 20, 2006

Notes on Asian Literature

Ang artikulong ito ay nabibilang sa kategorya ng mga “kabalbalang” napupulot ko sa peyups… yup, sa Unibersided ng Pila mismo… bukod kasi sa marami ako’ng baliw na klasmeyts, madami rin ako siyempreng baliw na “teachers”… As for Sir Duke Bagulaya, (kailangan ko talaga siyang pangalanan kahit pa sabihing siya lang naman ang bukod-tanging nagtuturo sa ngayon sa UPD ng kursong CL 40: A Survey of Asian Literature) ang mala-“pesante” pero may “class” kong instructor (his self-description), natutuwa ako’ng i-ulat na kahit may pagka-bulgar (sa tingin ko talaga, nae-enjoy niya pag may nagre-react sa “shock” sa klase eh, hehe…) at sobrang simple (diskurso at monologo lang talaga kadalasan ang nangyayari sa klase) ng kanyang istilo ng pagtuturo ay medyo marami-rami rin ako’ng “napulot” sa kanya… ‘Eto, ibabahagi ko sa inyo, baka may “mapulot” din kayo… (e di ayus yon’…)

courtesy of imagesphilippines.com

1. On Hermeneutics…or the study of the beginning of things?/ ancientology…
Sabi ni sir, “kalokohan” daw ang mga pagtatalo tungkol sa iba’t-ibang interpretasyon ng Bibliya ng iba’t-ibang organisasyon (for sure, alam na natin kung anu-ano yung mga yun…pasintabi po, opinyon lang ito) for one reason: how can you claim to know the meaning if you haven’t and can’t read and understand the original? As in, haler, ilan lang ba ang natuto at kayang matuto na magbasa in Aramaic or ancient Hebrew or Coptic (the language used in writing the so-called Judas’ testament… related pa rin sa Bible yun no)! Ang konteksto kasi ng pangungusap na ito ay ang puntong iba-iba nga naman ang pagkakasalin ng Bibliya. Halimbawa na lamang, sa maraming popular na bersyon nito, binabanggit ang salitang “virgin” o birhen upang tukuyin si Maria, ang ina ni Hesus. Pero sa isang pagsasalin (nakalimutan ko kung ano nga ba yung bersyon na yun), ginamit lamang ang salitang “maid” o dalaga. May pagkakalapit pero ang laki ng pagkaka-iba, hindi ba? Parang kasaysayan yan eh. Depende sa kung sino, ano ang perspektibo at gustong palitawin ng sumulat kaya kung tutuusin, nasa sa tao kung ano’ng “bersyon” ng katotohanan ang paniniwalaan. Lohikal na argumento naman, hindi ba?!

2. On the Bible as literature…
Pasintabi po ulit sa mga relihiyoso pero elementarya pa lang ako, ganito na ang turing ko sa Bibliya lalo na sa Old Testament – isang storybook. Nage-enjoy akong basahin sa dami ng anecdotes, anagrams, sayings, how-to’s (tips? oo marami niyan sa Bible, e.g. sa Ecclesiastes), and mala-Hollywood film na mga stories... Ang premise ni sir, para hindi ka daw maloka everytime na merong katulad ng The Da Vinci Code, hehe… Ang sa akin naman, faith is not what you know. It’s what you believe.

3. In addition to what Sec. Raul Gonzales told the media that UP only produces destabilizers and naked running men…
... UP also produces social climbers. Unfair nga daw e, as in “unfair!” Hindi kasi represented ang maraming sektor ng lipunan at klase ng karakter na pinagmumulan ng mga estudyante ng sangka-UPhan… Paano naman daw yung mga pesante, mga tibak, mga “simpleng estudyante”, and… the social climbers?! Oo nga naman, unfair talaga yung statement na yun Sec. Gonzales!

4. On the social contract:
... ayon sa pagkakaintindi ko, ang sinsabi lamang naman ng teoryang ito ay k aya mayroong gobyerno ay upang magbigay ng karapat-dapat na serbisyo sa mga mamamayan. Kapag anng gobyerno ay naging inutil at hindi na nito matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayang dapat nitong pagsilbihan, may karapatan ang mamamayan na palitan ang inutil na gobyernong ito at gumawa o bumuo na muli ng isang pamahalaang makatutugon sa kanilang pangangailangan. …ang tanong: dapat nga bang ibagsak si Gloria sampu ng mga taong kasama niya ngayong namumuno sa Malacanang?! Sa maniwala po kayo at sa hindi, malaki ang kinalaman ng tanong na ito sa sinasabi ng teoryang kababanggit ko lang….

5. On Taoism: "Man is dominated by nature. Man is not special. The way man survive is to act with nature.... It is not cowardice to run when your enemy is larger and far stronger than you."
sa totoo lang, kaya tumatak sa isip ko ang leksyon na ito ay dahil natuwa lang ako sa binigay niyang ehemplo kung saan epektibong ginamit ang prinsipyo ng Taoismo: sa guerilla warfare ni Mao laban sa Khoumintang ni Chang Kai Shek. Taoism’s basic premise is that you should not go against nature. In warfare, when one is weak and needs to retreat, it is not cowardice. Applied to a lot of things, it actually is but common sense. You need not be a Taoist to learn that going against nature in general, or your nature as a person in particular, will just hurt you. In the first place, you need not “go against”. You can instead harness nature’s power and use it or in a more personal sense, find your strength and exploit it…. Yun lang yun….

6. Stories, stories… sabi ni sir “We only get to know each other through stories”. Korek! Kaya naman, pakakaingat talaga kayo sa mga taong magaling maglubid ng kuwento (magaling/ nakakabilib magkuwento?!). Ang mga pinaka-epektibong “kuwentista” ay iyong mga naniniwala sa sarili nilang kuwento… So ngayon alam nyo na kung paano epektib magsinungaling, hekhek… Kidding aside, this statement just makes me think of people who go through life believing that their lives are boring, the telling of which will not make an interesting story. I wish that they would start writing about their lives, their thoughts, their dreams – so that they could start seeing their lives from a fresher point of view and know that it isn’t as boring as they would like to believe. We don’t only get to know each other through stories actually, but ourselves as well. We come to such realizations by being both the listener and the storyteller.
kaigachi is a conjugation of the Japanese term "kigaicha" or crazy. It roughly translates as "crazy about something."

"One does not become enlightened by imagining figures of light but by making the darkness conscious." - C.Jung

Proudly Pinay!

Proudly Pinay!
Protected by Copyscape Web Copyright Checker

But you can always share and cite.
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Non-commercial-No Derivative Works 3.0 License.