Copyright 2016 © drafts and brews byBernadette D. Sueno
Design by Dzignine
Tuesday, September 09, 2008

Notes on the UAAP Cheerdance Competition 2008

Ala-una pa lang, jampacked na yung puwesto ng UP. Mukha nang sasabog. Nag-overflow na sa tuktok ng DLSU at Ateneo ang mga isko at iska na hindi na makasiksik sa UP designated area. We initially tried makisiksik sa bandang DLSU but dahil sa higpit ng kanilang mga bantay, naitaboy nila kami sa bandang Ateneo. It actually was a blessing.Kahit sideview ng performing area yung nasa harapan namin, prenteng-prente naman yung upo at tayo namin. May space magwala bukod sa magsisigaw ng "GO UP!!!!!!" sa pagtataka ng Ateneo crowd sa ibaba. Isa pang nagpa-aliw sa amin ay ang nakaka-mesmerize na energy ng Blue Babble Battalion drummers. Kiber kung konti ang crowd nila. Bigay todo pa rin sila sa pagda-drums.

Paborito namin si Kuya (see picture). Halos bayolente mag-drums, nakakaawa yung gamit niya, parang anytime mabubutas. Pero sobrang passionate. Nakakadala. Gusto mo talagang sabayan ng sayaw yung beat niya. Higit pang nakaka-aliw, ang daming puwedeng poster boys sa BBB drummers. It made us thankful sa DLSU na tinaboy nila kami sa mga kapitbahay naming taga-Katipunan. Saan pa nga ba kami dapat mapunta di ba? Love thy neighbors! We love the BBB drummers! Yey!

******

Hindi nakita sa TV pero may higanteng tarpaulin ang UST na may 400 tapos akmang kakainin ng pacman ang 100. Hindi pina-display ang tarp na ito. Pero nakita namin. Nakita ng lahat ng nasa Araneta. Bawal na pala yung mga ganitong "yabang materials" pero bakit nagpagawa pa sila? Sila nga mismo laging nasa Board of Trustees di ba? They actually make the rules. Dapat hindi na sila nageffort pang mang-offend ng ganoon. It was actually the height of arrogance and very, very insulting. As someone that old (and presumably that "wise") they should know how to appreciate and respect the history of other institutions. Di ko tuloy napigilang ipoint-out sa kasama ko na yung 400 years nila, 300 years noon under Spanish slavery. UP's 100 years on the other hand is actually a celebration of more than academic freedom and excellence. "Benchmark of Excellence"?! Excellence is dynamic. It is driven by innovation, passion, and the drive to always better one's self. Sorry pero hindi namin nakita yon sa past and present performance ng SDT.

Isa pang nakakatawa na nakakaawang tagpo - hindi man lang na-serve yung implicit intended purpose ng malaking UST letters. Sana ginamit na lang nila as backdrop sa performance para may silbi naman. Pero in fairness, sa laki ng mga block letters na yun, mukhang mas mayaman ang Uste kaysa sa mga Atenista... hehe. Ang daming nag-improve na teams ngayong taon sa cheerdance. Mukhang nagsilbing challenge yung "UP sets the trend" slogan ng mga taga-Peyups last year. Kudos talaga sa NU, ang pinaka-much improved team. At least they can now be proud na maskipaps, pang-UAAP level na rin yung kanilang performance. We also love FEU and especially Adamson na maraming memorable moments sa kanilang routine. Favorite namin yung 2 girls na sabay umikot sa era na nakahiga, at yung cute na feet choreo habang nasa circle sila. We actually think na dapat, dahil sa polished performance, FEU ang 2nd, at dahil sa impact at energy, AdU ang 3rd. May dugong Warriors sa pamilya namin but, mahina pa rin kasi sila ngayong taon sa CDC kaya wala akong ibang masasabi.
***

Kumusta naman ang mga Atenista? Same parlor kaya ang pinuntahan ng UP Pep at Ateneo Blue Babble Battalion? Hehehe.... Okay sa uniform, pati buhok. Ito talagang mga neighbors namin, they take cues ha. We just wished that their routine had more edge and impact to it katulad nga hair and uniform. Kaya lang after the CDC, mas naaalala pa namin yung last year's performance nila.

***
Sabi nila... nanalo lang daw UP kasi Centennial namin at kami ang host. Haler, kung may ganon kaming powers, bakit kami nalagasan ng 1 senior cheerleader (3 daw sa FEU) dahil sa technicality involving subject loads a few weeks before the CDC? Sino bang nag-propose noon? And last year, nanalo ang UP Pep kahit na hindi pa UP centennial. Kayo nga sa paiba-ibang UAAP point system lagi kayo over-all champs eh, huuuuuu. Sobrang laking kawalan ba talaga ang bragging rights because of CDC sa Uste? Ahmmm... sana may taga-UP na makabasa nito. Iva-validate ko lang kung pareho ang hula ko sa isasagot nila. ;p

***
Ewan kung nakita sa TV but maraming moments na sinasabayan ng UP yung Uste sa "Go Uste" cheer nila. Further inquiry revealed that... (syempre, taga-UP, what would u expect?!) pinapalitan pala nila ng "B" yung "G". Ehem!

***
In CDC threads all over the www, sari-sari'ng style ng pangba-bash ang Thomasians sa UP. May pa-sweet at santo, pa-humble effect, pa-defensive, and etc and etc.... Okay lang yan. Bawi na lang kayo next year... KUNG KAYA NYO!!! HAR! HAR! HAR!

***

And finally, CONGRATS sa UP PEP SQUAD!!!!! Bilang Pep Squad ng Bayan, you always make us proud even when you don't win, and especially when you do! Siyempre! UP Fight!!!!
kaigachi is a conjugation of the Japanese term "kigaicha" or crazy. It roughly translates as "crazy about something."

"One does not become enlightened by imagining figures of light but by making the darkness conscious." - C.Jung

Proudly Pinay!

Proudly Pinay!
Protected by Copyscape Web Copyright Checker

But you can always share and cite.
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Non-commercial-No Derivative Works 3.0 License.