Copyright 2016 © drafts and brews byBernadette D. Sueno
Design by Dzignine
Saturday, November 19, 2011

MMK: Malamang Magsisisi Ka (kung maalaala mo pa nga)

Kanina mo pa paulit-ulit na inuumpog ang ulo mo sa pader. Pakshet talaga! Nakanangputcha! PI! Shet! Letse! Lahat na yata ng mura nasabi mo na. Pero bakit ganun? Nag-pipilit pa ring sumingit at umalingawngaw sa utak mo ang mga salitang sobrang nakakasakit sa yo. Wala ka na halos maramdaman sa parteng inuumpog mo, pero sa loob ng puso mo, ang sakit-sakit pa rin. Dapat yata ginagawa nang teleserye ang buhay mo sa sobrang makabagbag-damdamin.

Parekoy, I so feel you! Pero puwede ba, itigil mo na yang dramang "I deserve to die, nobody cares"?! Hindi naman talaga titigil ang ikot ng mundo dahil lang pakiramdam mo lahat ng problema at kasawian sa buhay nasa balikat mo. Kung gusto mo, isulat mo at ipadala ang kuwento mo sa MMK, malamang madami pa ang makikisimpatiya at mai-inspire. Pero kung puro suicide at pagkasira ng buhay mo ang naiisip mong gawin AT AYAW MO PAPIGIL, 'eto ang 20 pesos. Sige, bili ka na ng blade. At tandaan, ang laslas ay pa-horizontal ha, para wakwak talaga lahat ng importanteng veins. Para wala ka na talagang second chance. Masakit ka sa bangs! Ang toxic mo! Malamang nga tama ka niyan na the world would be better off without you.
 

Kung bakit kasi, dapat yang buhay mo, since di mo naman kayang pahalagahan at ipaglaban maski sa  sarili mo, ipina-raffle na lang sa mga gusto pa mabuhay na cancer patients. O kaya yung mga naging biktima ng Tsunami sa Japan. O kaya yung mga nabaon sa mga nagdaang mega-earthquakes. O kaya kay Steve Jobs na lang. Sayang eh. Akalain mo'ng sa sinuwerte-suwerte mo, minalas pa ang mundo sa 'yo kasi uber feel mo na "Gosh, I am such a loser!"

Tara, tama na muna yang drama mo. Sumama ka muna sa akin sa PGH. Punta tayo dun sa ER. Isa-isahin natin ang mga naghihingalo dun na bawat segundo ng hininga ay pinahahalagahan. Tapos, punta tayo sa Children's Ward. Pakuwento ka tungkol sa pangarap sa buhay ng mga batang hindi na tatanda dahil sa terminal cases na sila. Makipaglaro tayo kasama ng mga batang kamukha na ni Gollum sa putla at wala nang mga buhok pero kayang-kaya pa rin tumawa sa galak dahil sa mga simpleng bagay tulad ng pagbibigay mo ng panahon na makasama sila. Nakaka-iyak ba? Nakaka-relate ka?

Ang gusto ko lang maintindihan mo, una, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Hindi lang ikaw ang may dinaramdam. At gaano man kalala sa tingin mo ang mga nangyayari sa yo ngayon, siguradong sa laki ng mundo at sa dami  ng tao, may mga mas malala pang mga problema at pasanin kaysa diyan at masuwerte ka dahil hindi sa iyo ang mga problemang iyon.

Pangalawa, dapat maintindihan mo na ang problema, natatapos at natatapos din para lang mapalitan nang panibagong problema - panibagong challenge. Kailangan kasi yan ng lahat ng tao para matuto, para mas madiskubre kung ano pa ang kakayanin nating gawin, at gaano pa ba katatag ang ating mga loob sa harap ng pagsubok. Parte yan ng buhay eh kaya wag mo masyado dibdibin.

Pangatlo, pahalagahan mo ang buhay mo. Iisa lang yan. Hindi yan nabibili. Ibinigay yan sa yo ng Diyos na biyaya kaya magpasalamat ka at gamitin mo ng maayos hindi lang para mapasaya ang sarili mo kung di pati na rin ang kapwa mo. Marami ang gusto pa mabuhay pero di na pinagbibigyan kaya masuwerte ka kasi madami pa ang oras mo mag-enjoy.

Pang-apat, habang may buhay, may pag-asa. Habang may buhay, madami pa ang puwede mangyari. Napanuod mo ba yung last second 3-point shoot na video sa Youtube na nagbago ng takbo ng isang basketball championship? Kaya wag ka magpakamatay. Pag nagpakamatay ka, iiyak lang at makiki-kape at magsusugal ang mga tao sa paligid mo sa loob ng isang linggo pero tuloy pa rin ang buhay para sa kanila. Pagkalibing mo, kung may magpapa-party ng bongga, mag-iinuman at magkakainan at magsasaya pa rin sila. Lugi ka. Kung pipilitin mong maging survivor, magkaka-djowa ka pa ulit nang mas magmamahal sa yo, magkaka-trabaho ka pa ng mas bongga, mas madami ka pang lugar na mapupuntahan at mga taong makikilala. O  di ba, ang saya-sayang adventure?

Pang-lima, buhay mo yan. Iyo. Kaya responsibilidad mong ayusin, hindi responsibilidad ng mundo o nang ibang tao. Proof? Kasalanan ba ng mundo na nagdudugo na 'yang bumbunan mo? Bakit, sino bang nag-umpog sa yo? Kaninong ulo ba yan? Lumalabas na nagdesisyon kang saktan ang sarili mo, at pumayag kang saktan ka ng sarili mo. Doble-dobleng atraso mo sa sarili mo, hehe.

Pang-anim, lahat naman ng nilalang namamatay. Bakit ka ba nagmamadali umeskapo sa mundo? At paraan pa ng duwag ang napili mong style ng pag-exit, huh? Duh!

Kaya nga dapat, di mo inuubos oras mo sa pagpipintura ng dugo mo diyan sa pader nyo. Lalangawin pa yan bukas pag natuyo na, mahirap linisin. Tama na muna ang emote, okay? Ito Php 65.00, bili tayo RH grande....
kaigachi is a conjugation of the Japanese term "kigaicha" or crazy. It roughly translates as "crazy about something."

"One does not become enlightened by imagining figures of light but by making the darkness conscious." - C.Jung

Proudly Pinay!

Proudly Pinay!
Protected by Copyscape Web Copyright Checker

But you can always share and cite.
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Non-commercial-No Derivative Works 3.0 License.